THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Sabado, Agosto 16, 2008

Tama?Mali?

Sa ngayon hindi maikakaila ang paglaki ng populasyon. Ayon sa ilang ekonomista, sanhi ng napakaraming problema ng bansa ang napakalaking pagtaas nito. Unang ipinasa ng mga mambabatas ang patakaran ukol sa kontrasepsyon na maaaring magpabago ng buhay ng bawat Pilipino. Sa proposisyong ito, pinaniniwalaang bababa ang pagtaas ng krimen, ang dami ng mga walang trabaho at ang mataas na pagkakataong hindi maibahagi sa bawat Pilipino ang mga benepisyong ipinamamahagi ng iba't-ibang ahensya at programa ng gobyerno. Ang mga ito ay ilan lamang sa napakarami pang dahilan ng gobyerno kung bakit pilit nila itong ipinaglalaban.

"Hindi lahat ay mapapaligaya at mapapaamo ng
isang tao." Ang katotohanang nakapaloob sa kasabihang ito ay hindi maikakailang totoo sa sitwasyon ng ating bansa ngayon. Hindi naman kasi lahat ay sumasang-ayon sa proposisyong ipinasa ng ilan sa ating mga opisyal na ibig makuha ang kasaganahan sa kahit na anong paraan. Pinakaunang nagkunot ng noo ay ang Simbahan na hindi papatalo. Umapila sila laban sa ibig mangyari ng gobyerno. Ayon dito, mali ang paraang naisip ng ating mga opisyal. Hindi raw kasi ito makatarungan. Sagrado na raw kasi ang bagay na pinag-uusapan dito at mali ang naisip nilang paraan upang masolusyunan ang inaakala nilang pinakaangkop na solusyon para rito. Sino nga ba ang tama sa dalawa?

Kapag prinsipyo at praktikalidad na ang pinag-uusapan, hindi malayong marami ang martir na magsasabing prinsipyo pa rin ang kanilang pipiliin. Ngunit kapag ang isang tao'y lubusan na ang kahirapan hindi ba't umuusbong ang pagtaas ng krimen? Hindi ba't natural sa isang tao ang isipin lamang ang kanyang paggaling kaysa mga bagay-bagay ukol sa pulitika at iba pang para sa kanya'y hindi makapapantay sa kahalagahan ng kanyang buhay kapag siya'y may sakit? Pagkatapos ng napakahabang oras na pagbabasa at ika'y masyado nang inaantok at wala ng konseptong pumapasok sa iyong utak, hindi ba't ika'y natutulog na lamang?


May punto ang mga argumentong ito, ngunit kahit kailan kapag dinungisan mo ang iyong pagkatao, parang tinatanggap mo na rin na hindi ka na tao. Ano pa ang silbi ng pagkabuhay natin dito sa mundo kung hindi naman natin kaya ang matalo ang mga problemang katulad nito? Ang dapat nating gawin ay ang mabigyang solusyon ang mga problemang patuloy na sumusunod sa atin. Ngunit nararapat lamang na isaalang-alang natin ang paraan kung paano natin masosolusyunan ang mga ito. Tayo, bilang mga alagad ng Poong Maykapal na alam kung ano ang tama at mali, ay nakakikilatis na ang tamang paraan lamang ang ating dapat sundin upang mabuhay ng payapa at maligaya.


Hindi dapat na pabulaanan ang proposisyon ng gobyerno ngunit hindi rin naman makatarungang hayaan ang mga kabataan pati na rin ang nasa tamang gulang na gawin ang kanilang hindi makataong kagustuhan.

1 comments:

SupheriA Lee ayon kay ...

Tradisyunal subalit mapang-akit ang pananalita na ginamit ninyo sa inyong pagsulat. Nais ko sanang malaman ano ba sa proposisyon ng gobyerno ang sumasalungat sa prinsipyo nating mga Pilipino. Mas maganda siguro kung isasali ninyo kung ano ba ang napapaloob sa panukalang batas ni Edcel Lagman. Ipagpatuloy ang kahanga-hangang pagtutulungan ng inyong grupo. Magaling!