THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Linggo, Agosto 17, 2008

Polo Y Servicio


Ang pagpapalaganap ng relihiyong Katoliko ang naging unang hakbang ng malawakang pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito, nabigyan ng pagkakataon na maisakatuparan ang tunay na hangarin ng Espanya sa ating bansa. Nagtatag sila ng mga patakaran na masasabi nating nagbigay ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Isa sa mga patakarang itinatag ng mga Espanyol ay ang sapilitang pagtatrabaho, kilala sa tawag na Polo y Servicio.


Ang Polo y Servicio o Prestacion Personal ay hango sa sistemang Repartimiento de Labor na ipinatupad ng Espanya sa Mexico. Ito ay sapilitang pagpapatrabaho sa mga lalaking Pilipino at Mestizo Tsino na may edad na labing-anim (16) hanggang animnapu (60). Nagtatrabaho ang mga ito ng apatnapung (40) araw bawat taon. Polista ang tawag sa mga manggagawang nito. Ang mga trabaho ay dapat na pampublikong serbisyo tulad ng pagtatayo ng mga imprastraktura gaya ng gusali at simbahan; pagpuputol ng malalaking puno; at pag-aayos ng mga kalsada ngunit dahil sa nasasakop ng sistemang encomienda ang Polo y Servicio, ang ibang mga Polista ay naninilbihan sa bahay ng encomiendero. Makakaligtas lamang ang mga polista kung makakabayad sila ng falia na katumbas ng pangaraw-araw na sahod na ibinibigay sa kanila.


Ang patakarang polo y servicio ay masasabi nating epektibo sa maraming kadahilanan. Isa na rito ang mga imprastraktura na nakikita nating nananatiling nakatayo mula pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang ngayon. Ang mga ito ay ang mga matatandang simbahan at gusali na matatagpuan sa iba’t-ibang panig ng bansa. Pumapangalawa ang mga malalaking barko na ginagamit ng mga Espanyol sa pandaigdigang kalakalan. Dahil sa mga barkong ito, nagkaroon ng mga malawakang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang bansa. Matindi ang pinagdaraanan ng mga Polista sa paggawa ng mga galyon dahil sa kinakailangan nilang magbuhat ng mga malalaking puno upang magamit sa paggawa ng mga ito. Naging epektibo rin ito dahil sa ito ay sapilitan. Kung hindi magtrabaho ang mga polista, sila ay mapaparusahan. Upang hindi sila maparusahan, tinitiis na lamang ng mga Pilipino ang humugit kumulang na dalawang buwang pagtatrabaho.

9 comments:

Unknown ayon kay ...

salamat dito =)
nadagdagan report ko =)
tnx!!

Unknown ayon kay ...

tama po..
lubos na nahirapan ang mga polista sa pagtatrabaho..
ang mga trabaho nila ay ang mga proyekto ng gobyerno such as, konstraksyon of public buildings,roads,bridges, and ships..
hayz..
burdensome nga naman tlaga ang pagtatrabaho nila..

miley quince ayon kay ...

buti na lang merong sagot ang mga assignments ko dito sa makabayan thanks kasi malaking tulong ito sa mga estudyanteng katulad ko.

yiesha jane ayon kay ...

Pwede po ba paki-explain kung paano na tutulan ng mga pilipino ang patakarang polo?

Unknown ayon kay ...

Pwede po bang magtanong? Saan po mananatili ang mga polista habang sila ay naninilbihan sa polo y servicio?

Unknown ayon kay ...

OWEDE PO MAGTANONG SA PANAHON PO BA NATIN NGAYONMERON PA BANG SAPILIRNG PAGGAWA

SLMAT PO SA SASAGOT

Unknown ayon kay ...

sapilitang paggawa po pala

Unknown ayon kay ...

Ano po ang uri ng pgkain nila

Unknown ayon kay ...

Tyy sa sagot